Home alone.
Masaya na malungkot to stay home alone. Living in Palawan made my life simple and kinda challenging. Walang mall, walang movie house, walang pitstop na matatambayan, walang kotse, walang starbucks, at walang timezone. In short, life here will depend on how you can manage being alone.
Medyo weird. Sunday ang pasyalan sa dalampasigan (huh!) sa NCCC mall, a three storey mall at the heart of Palawan. Parang Gotesco Grand Central pero wlang sinehan. Mabenta ang pirated dvd dito suki na din ako ng mga tindera medjo delayed nga lang din mga pelikula. Walang scrubs, walang Miami ink. May house pero late na un season. May Rengel Mall din pero parang nasa SM quiapo ka. Mabenta ang Ukay ukay para kang nasa baguio madami sa paligid at take note original mga damit from Italy at USA.
Kinakaina ko lang madalas sa lunch dito sa kapitbahay na tindahan. Sa jenlec, masarap ang ulam but the tindera slow kumilos kase matanda na si manang 2 magkapatid na andalucia na. Minsan sa tindahan ke ate masarap din ang ulam, pag gusto ko makalibre ng sabaw ng nilagang baka dun ako bbibili. Minsan bumili ako ng NILAGANG GOMA. Hehehe! Natroma ako sa baka masarap sana un sabaw ang problema kahit kutsilyo susurender sa sobrang tigas. Nyak! Minsan pag me kasama sa Inato o sa Itoy’s. pero sa Itoy’s coffee shop ok din food creamy carbonara parang luto ko. Starbucks ditto ang Itoy’s. hmm..
My neighbors ok naman sila. May foreigner, si Edwin, siya ang una sa apartment sa dulo bihira ko makita pero friendly. Bading. Si ester asawa ng doctor may katkat na masunget pero medyo matanda na kase akala ko nga nanay nya. At ang kapitbahay kong Adventist na lagi akong binibigyan nya polyetos ng kanilang kulto. Hehehe! C aling cleo mula sa Malaysia vegetarian binigyan ako ng spaghetti na puro gulay, sa gutom ko at tinatamad na ko lumabas siempre may I laffang the food na din ang problema may okra ngek.
Nagpapalaba ako kay beth sa may nccc laundry shop friend ko na nga lagi ako suki every Thursday ang palaba para Friday night ok na mga damit. Wala ng planchahan keri na di halatang lukot. 30 per kilo ok na din.
Malapit na ko magbakasyon sa Bulacan, I miss my room and sempre Wiggy! Hay! 3 days na lang sa bulacan na ko yahoo!
chitika
Sunday, December 21, 2008
Posted by hotmeldotcom at Sunday, December 21, 2008
coron adventure
