chitika

chitika

Tuesday, December 30, 2008

home sweet home

I spent Christmas in Bulacan. Last minute ang flight ko, 5pm delayed so naging 6pm via Cebu Pacific the carrier with the motto Every Juan can Fly. Wow! true kase Sila ang number one aircraft carrier sa Asia, cheapest rate wala lang snack on board, lahat for sale. Anyways, I arrived 7pm at NAIA teminal 3. Nagtaxi na lang ako papunta ng MRT Taft. Medjo mauutak mga driver malapit lang tatagain ka ng presyong hihimatayin ka. I pay 100 pesos lagi para ihatid ako sa mrt pilitan pa yan. Di ka isasakay kasi gusto nila un malayo tapos sisingilen nila ng 1k. Ngek! sa MRT para wag ka na icheck ang dala mo dapat me tag ka na galing ka talaga sa airport. Mabilis ang byahe, Bumaba ako sa Trinoma. Wow! I miss that place talaga, ang problema hanggang 9pm lang sila kasi noche buena na. Hindi tuloy ako nakaikot. I'm so excited to sleep in my room, I miss my bed, my pillow and being at home. I got a chance to eat good food ang sarap!

Christmas day was just an ordinary day for me. Natulog lang ako maghapon. Then nagpunta sa sm I saw gigantic santa clause! ang laki! hehe muka na talaga akong taga outerspace! inosente na sa mga nakikita sa paligid! I bought pang regalo sa mga inaanak ko cheap lang para me maibigay naman ako. Then I went to see my old friends sa gawaan and my inaanak. Nakakatawa kasi si chesa nun nakita ako naiiyak. Gaga talaga ayaw magsalita naiiyak lang. Pati si lorna nun pinuntahan ko sa kanila josko parang namaligno nun nakita ako! Nagtatatalon at umiiyak din! Ngek! Nakakatouch naman sila when they saw me natutuwa sila kahit umiiyak nun nakita ako mga loka loka talaga! I got so many blessing from my past and present job. I didn't expect kasi na makakakuha pa ko ng ganun kalaking amount. O hindi na ko sanay makahawak ng pera kaya ganun na lang ako kashock when I receive the money? Sa Palawan kasi ang 500 malaki na aabot na ng 2weeks bago maubos, sa Bulacan ang bilis dumulas ng pera sa kamay grabe! dadaan lang talaga! medjo ganun ang nangyayari ngayon kaya hinay hinay na ko gumastos baka hindi umabot bagbalik ko ng Palawan. Habang nag iintay ako sa araw ang ginagawa ko since walang oto ang baluga hinahatid namin ni bading sa work nya 10pm kami aalis ng bahay at susunduin namin ng 6am at tulog ako maghapon minsan tatambay sa sm kaya lang bawal gumastos. Minsan wala kaming magawa ni bading pagkahatid namin kay baluga ng 1040pm dumirecho kami ng Greenhills hehe from Malolos to Greenhills wala lang me night market mga 1130 kami dumating trip lang nakauwi kami ng 1am kaya kinabukasan hirap kami gumising para sunduin si baluga.
Eto ang tatlong abnormal

Haha!
Naibsan ang cravings ko sa pagkain ng mga gusto kong kainin na wala sa Palawan kaya lang hindi pa din ako nakakakain ng Nacho with bbq sprinkle at burito at chix quesedilla ng Taco bell.


I also got a chance to see an old friend whom I haven't seen for a long time. Sad.. I guess its payback time..

coron adventure